Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Both Sides Now

this specific version always sends me to a state of deep melancholy, whenever i listen to it i always wanted it to end as soon as it started but there’s also a feeling of incomplete when i don’t get to hear the whole song and feel the way that i do when i hear joni’s voice. there’s not so many artists who can open their hearts and soul through song, or at least not like joni mitchell.

Both Sides Now – Joni Mitchell

crazyinlove

“There is always some madness in love. But there is also always some reason in madness.” – F.N.

afflatus

Ito ang imaheng nagbigay ng inspirasyon kay H.C. Bresson na subukan ang potograpiya at pansamantalang (sapagkat bumalik siya rito pagkatapos niyang magretiro) iwan ang pagpinta. Ang larawan ay kuha ng potagrapong si Martin Munkacsi, sa isang panayam sinabi ni Bresson “The only thing which completely was an amazement to me and brought me to photography was the work of Munkacsi. When I saw the photograph of Munkacsi of the black kids running in a wave I couldn’t believe such a thing could be caught with the camera. I said damn it, I took my camera and went out into the street.” at iyon ang naging Decisive Moment ni Bresson. Ito ang naging dahilan kung bakit ako napapa-isip ngayon kung ano nga ba ang tunay na dahilan at nabighani ako sa sining (notwithstanding na marami pa rin ang kumukwestyon kung ito nga ba’y maituturing na isang sangay ng sining) ng potograpiya. Hanggang ngayon, patuloy ko pa ring tinatanong ang aking sarili at hanggang ngayon wala akong mapigang sagot. Hindi ko pa rin maubos maisip kung bakit ako naglalaan ng substansiyal na halaga ng oras at pera para sa “hobby” na ito. Marahil, hindi ko mahahanap ang sagot, sapagkat marahil isa ito sa mga bagay na hindi maihahanap ng kasagutan. Parang pag-ibig.

some kind of blue

“For me, music and life are all about style” – Miles Davis

bilang isang babae

natagpuan ko ang isang tula ni Ruth Mabanglo (kopya sa ibaba) habang nagbabasa ng isang blog entry tungkol kay Susan Fernandez. Nang mabasa ko ang tula, lubusan kong niyakap, minahal at lalong pinahalagahan ang aking pagiging babae-pagiging tao. Naisip ko, hindi dapat ibaba ang sarili para maabot ng iba, hindi dapat pababawin ang pag-iisip upang maintindihan. May isang taong sisikaping abutin ang aking gunita, pipiliting sisirin ang aking kaluluwa at igagalang ang aking kalayaan. Siya iyong karapat-dapat.  Ipagpatuloy ang pagbabasa »

Nitong mga huling araw hindi mawala sa isip ko ang mag-backpack sa Indochine, halos maluha ako sa sobrang excitement, pananabik, at pagka-gutom sa travel. Nagbabalak kami ni korky sa bandang September pero wala pang definite. Ewan kung saan kami mauwi. Sa ngayon, araw araw kong binibisita ang www.talesofasia.com bilang paghahanda.

isang panimula

bagong blog. lumang simula.