Ito ang imaheng nagbigay ng inspirasyon kay H.C. Bresson na subukan ang potograpiya at pansamantalang (sapagkat bumalik siya rito pagkatapos niyang magretiro) iwan ang pagpinta. Ang larawan ay kuha ng potagrapong si Martin Munkacsi, sa isang panayam sinabi ni Bresson “The only thing which completely was an amazement to me and brought me to photography was the work of Munkacsi. When I saw the photograph of Munkacsi of the black kids running in a wave I couldn’t believe such a thing could be caught with the camera. I said damn it, I took my camera and went out into the street.” at iyon ang naging Decisive Moment ni Bresson. Ito ang naging dahilan kung bakit ako napapa-isip ngayon kung ano nga ba ang tunay na dahilan at nabighani ako sa sining (notwithstanding na marami pa rin ang kumukwestyon kung ito nga ba’y maituturing na isang sangay ng sining) ng potograpiya. Hanggang ngayon, patuloy ko pa ring tinatanong ang aking sarili at hanggang ngayon wala akong mapigang sagot. Hindi ko pa rin maubos maisip kung bakit ako naglalaan ng substansiyal na halaga ng oras at pera para sa “hobby” na ito. Marahil, hindi ko mahahanap ang sagot, sapagkat marahil isa ito sa mga bagay na hindi maihahanap ng kasagutan. Parang pag-ibig.

may mga bagay na kadalasa’y binubuo ng sarisaring tanong na wala tayong maisagot o maisasagot kailanman, ngunit mga bagay itong patuloy na nagbibigay buhay sa atin. marahil iyon ang mahalaga.